Posted in Published Author, Published Books

PAROLA OR THE LIGHTHOUSE by MPH Published Author Robert Tiatco Celles

TAGALOG POETRY BOOK

Noong ating kabataan, tayo ay bumubuo ng maraming pangarap. Mga maliit at malalaking pangarap na kay sarap balikan lalo na kung ang karamihan sa mga ito ay ating nakamtan sa paglipas ng panahon.

Ang Parola ng Tanay ay isang pasyalan, palaruan at lugar ng mga mumunting ala-ala lalo na kapag natatanaw ang kalawakan ng kalikasan mula sa tuktok ng hagdan habang nagmumuni-muni sa maraming bagay na nagaganap sa ating kapaligiran. Ang mga nabuong kwento ng pag- ibig, mga pangyayari sa buhay, ang ganda ng kalikasan, ang masasayang taon ng kamusmusan at ang mga karanasan sa buhay ang nagsilbing inspirasyon ng may akda upang makalikha ng isang maipagkakapuring aklat na “PAROLA”.

Roberto T. Celles

When we were young, we had many dreams. Small and big dreams that were nice to look back on especially if most of them have been achieved over time. The Lighthouse or Parola of Tanay is a sight, a playground, and a place for small memories, especially when you can see the vastness of nature from the top of the stairs while contemplating many things that are happening in our environment. The developed love stories, life events, the beauty of nature, the happy years of childhood, and the life experiences served as inspiration for the author to create a commendable book “THE LIGHTHOUSE”. 

Roberto T. Celles

About the Author

TUNGKOL SA MAY AKDA

Ang may- akda ay isang Filipino-Canadian na isinilang sa bayan ng Tanay sa lalawigan ng  Rizal sa Pilipinas sa mag-asawang Gabriel I. Celles at Milagros A. Tiatco. Siya ang ikaapat sa pitong magkakapatid na kinabibilangan nina Melita, Teresita, Josephine, Roberto ( Ang May- akda ), Sonia, Gabriel at ang pinakabunso na si Dorothea. 

Unang nakapag- aral ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Tanay at nagtapos ng sekondarya sa Sierra Madre Institute ng nasabi ring bayan.

Siya ay nag-aral ng Kolehiyo sa Unibersidad Nasyonal sa Maynila at nagtapos ng kursong Batsilyer sa Agham ng Inhinyero Kimika (BS.ChE). 

Nakabagtrabaho sa Manila Cordage Company, isang malaking pabrika ng lubid sa syudad ng Makati, Metro Manila ng halos dalawampung taon. Dito niya naranasan ang mapait at matamis na mga  karanasan ng isang manggagawa at lider ng isang pagawaang binubuo ng isang malaking herarkiya ng mga ehekutibo. Ang pabrikang ito ang isa sa mga nagturo sa kanya upang maging matatag at alamin ang kanyang mga kahinaan at kalakasan sa buhay. 

Sa pabrika ding ito unang nakilala at nabiyayaan  ng isang ulirang asawa na si Isabelita Mendoza Celles at nagkaroon ng  tatlong maipagkakapuring mga anak na sina Chastine Gale, Jose Gabriel at Roberto Angelo. 

Habang nagsisilaki ang mga anak, napagpasyahan nilang mag- asawa na manirahan sa ibang bansa at harapin ang buhay sa British Columbia, Canada noong taong 2005. Ang bansang Canada ang nagpabago sa takbo ng kaniyang pananaw sa buhay at siyang nagbukas ng maraming pintuan, pagkakataon at oportunidad upang makibabaka sa isang bansang pinaninirahan ng iba-ibang kultura ng lipunan. Nagtrabaho sa Squirrelsystems, Canada sa Burnaby, British Columbia ng mahigit 15 taon. Dito niya naranasan ang patas at propesyunal na pakikitungo ng lahat ng antas ng manggagawa mula sa pangkaraniwang empleyado hanggang sa may pinakamataas na posisyon. Noong panahon ng pandemya ( Covid 19 ) taong 2019, nagbawas ng mga manggagawa ang nasabing pagawaan at isa siya sa mga nawalan ng trabaho. Sa mga panahong ito na kung saan ang gobyernong Canada ang tumutustos sa mga kanyang pangangailangang pinansyal, dito niya nadiskubre ang kanyang angking talino sa panitikan at pagpinta. Hinikayat siya ng kanyang dating guro, si Gng. Lourdes B. Morandarte, na isang kilalang Makata sa kanilang bayan ng Tanay, na subukang sumali sa kanilang grupo ng mga manunulat at pintor sa panitikang “ Poetic Hearts” upang mapawi ang pagkabagot at lungkot na dala ng pandemya. Habang siya ay abala sa pagpapalawak ng kanyang kaalaman sa panulat at pagpipinta, dumating ang magandang kapalaran ng matanggap naman siya sa Osensa Innovations na halos kalapit lugar din ng dating pinagtrabahuhan sa Burnaby, British Columbia. Para sa kanya ito ay patunay sa isang kasabihang kapag may isang pintuan ang nagsara mas marami pang pinto ang magbubukas para ka makapasok at makita ang ganda at lawak ng mundo.

Ang grupong “Poetic Hearts” ang nagsilbing hagdan nya sa mundo ng panulat at doon ay unti unting nakita ang kanyang kakayang humabi ng mga tula na sinasaliwan niya ng pagguhit upang mas mapaganda at mabigyang buhay ang kanyang mga likha. Upang mas mahasa pang lubos ang talim ng kanyang panulat, siya ay sumali sa maraming patimpalak panulaan sa iba’t ibang panig ng mundo at kinilala ang kanyang angking kakayahang makipagsabayan sa mga magagaling na makata at pintor ng iba’t ibang bansa. Siya ang kasalukuyang taga-repaso ng mga tula  ( Poetic Reviewer )  mula sa magagaling ng mga Makata ng kanilang samahang “Poetic Hearts”. Naisama na rin ang kanyang mga obra at akda sa babasahing “GLIMPSES MAGAZINE” na unang inilunsad noong taong 2021. Marami na rin siyang mga tula, guhit at poetic reviews na nakasama sa  “ GLIMPSES MAGAZINE VOL. II na inilunsad naman noong Setyembre ng taong 2022. Maging sa pandaigdigang “ ILA MAGAZINE” ay nailathala na rin ang kanyang mga English Poetries tulad ng “THREE BUTTERFLIES” at “ MY SUNSET DREAMS” noong Hunyo, 2022. 

Nagawa  na rin niya ang kanyang unang aklat ng mga tula na nalimbag  sa wikang Inggles ang “ VERSES FROM MY HEART“ na inilathala ng McKinley Publishing Hub ng Kentucky, USA at kasalukuyang nasa merkado ng Amazon.com. 

Nakamit din niya ang mga sertipiko at papuri ng karangalan sa pagsusulat at pagguhit sa mga sumusunod na grupo ng alagad ng sining: The Passion of Poetry, Poetic Hearts, Rhythm of the Hearts, Pen Wonder International, Kapanulat, Bigkis ng Panitik, Filipino Poets in Blossoms at ang Mga Tula at Tilamsik ng Diwa. 

Sa kasalukuyan ay maligayang naninirahan ng kanyang pamilya sa British Columbia, Canada. Biniyayaan ng maganda at bibong  apong babae na si Olivia Isabelle at isang bagong apong lalake na si Dominic Robert sa kanyang pangalawang  anak na si Jose Gabriel at sa kanyang naging kabiyak ng puso na si Donna Jade. 

Tungkol sa Aklat

Noong ating kabataan, tayo ay bumubuo ng maraming pangarap. Mga maliliit at malalaking pangarap na kay sarap balikan lalo na kung ang karamihan sa mga ito ay ating nakamtan sa paglipas ng panahon. 

Ang Parola ng Tanay ay isang pasyalan, palaruan at lugar ng mga mumunting ala-ala lalo na kapag natatanaw ang kalawakan ng kalikasan mula sa tuktok ng hagdan  habang nagmumuni-muni sa maraming bagay na nagaganap sa ating kapaligiran. Ang mga nabuong kwento ng pag- ibig, mga pangyayari sa buhay,  ang ganda ng kalikasan, ang masasayang taon ng kamusmusan  at ang mga karanasan sa buhay ang nagsilbing inspirasyon ng may akda upang makalikha ng isang maipagkakapuring aklat  na  “PAROLA”. 

About the Author

The author, Roberto Tiatco Celles, published author of “Verses from My Heart “is a Filipino- Canadian from Tanay, Rizal, Philippines, and now living in New Westminster, British Columbia, Canada with his family. He attended elementary school at Tanay Elementary School and secondary high school at Sierra Madre Institute in the same town. He took up a Bachelor of Science in Chemical Engineering at National University, Manila in 1980. After graduation, he got his first job at Manila Cordage Company, in Makati City, Philippines where he worked for many years in the Manufacturing Department. He had a brief stint as a Consultant at Pacific Continental Company in Las Pinas City, Philippines. He applied as an independent immigrant in Canada and migrated to the country with his family in July 2005. 

He got employed and worked for many years at Squirrel Systems Canada, a Burnaby-based point-of-sale vendor specializing in hospitality management systems based in British Columbia. 

Presently working at Osensa Innovations, a Manufacturing company that develops and manufactures fiber optic temperature sensor products for industrial applications including power transformers, switchgear, generators, semiconductors, and MRI equipment also in Burnaby, British Columbia.

During the early days of the pandemic in 2020, his elementary grade school teacher from the Philippines, Mrs. Lourdes B. Morandarte, a well-known poetess in their province, introduced him to join “Poetic Hearts”, to shoo away the boredom caused by the quarantine. The group is composed of diversified and respectable poets and artists from different backgrounds who tried their talents in writing and painting. To date, he has been recognized and awarded in the arts of poetry and painting from different global poetry and literary groups such as The Passion of Poetry, Rhythm of the Hearts, Pen Wonder International, ILA Magazine, Kapanulat, Bigkis ng Panitik, Filipino Poets in Blossoms and Poetry Planet. He is also the current Poetry Reviewer of the Poetic Hearts group and provides good reviews of his chosen poems on a regular basis. His prose and poetry were included in the GLIMPSES PH Magazine’s maiden issue in 2021 such as Tulips, The Duckling and the Swan and Skittles, the Dreamer. His work “My Sunset Dreams”  was chosen as Best Entry Poem and was published in ILA Magazine in June 2022. 

Now, he happily enjoys being a grandfather to his lovely granddaughter, Olivia Isabelle and newly born grandson Dominic Robert, and still continues writing good poetries and painting during his free time.

Pages inside the book

Links on Amazon

THE LIGHTHOUSE LINK

UNITED STATES

THE LIGHTHOUSE: PAROLA https://a.co/d/acQyEkR


UNITED KINGDOM
 https://amzn.eu/d/3VmJv9X


GERMANY
https://amzn.eu/d/bhZy5wa

FRANCE
THE LIGHTHOUSE: PAROLA https://amzn.eu/d/0TeFCTx


NETHERLANDS
https://amzn.eu/d/ew9hI25

CANADA
https://a.co/d/exfdQU2





Links on Lulu.Com

Paperback Lulu
Link to Purchase Worldwide

https://www.lulu.com/shop/roberto-celles-and-mckinley-publishing-hub/parola/paperback/product-7pzy7m.html


Hardcover
https://www.lulu.com/shop/roberto-celles-and-mckinley-publishing-hub/parola/hardcover/product-8pmzkz.html?q=parola&page=1&pageSize=4



Barnes & Noble Link

https://www.barnesandnoble.com/w/parola-roberto-celles/1142800482?ean=9781387432998

Here’s Author Robert’s English Poetry Book

Advertisement

Author:

THE MCKINLEY PUBLISHING HUB is founded in the Pearl of the Orient: PHILIPPINES. Literally, McKinley is a street name where one of the three founders of the publishing company lives. In the context of Philippine History, "McKinley" are the Filipino Ilustrados who fought for freedom and real progress in the Philippines way back during the colonization era of Spain and America in our land. Ilustrados are the enlightened ones, not necessarily rich but surely educated formally (like Jose Rizal) or self-taught (like Andres Bonifacio or Emilio Jacinto or Josefa Llanes Escoda). They held the "enlightenment torch" to light and lead the way for Filipinos living in the "dark" towards a bright future full of hope. Fast forward to now, 2021 which is a century hence plus some more decades after Rizal, Bonifacio and Escoda. There is this new batch of self-published-Ilustrados again. Don Luman-ag, Dexter Amoroso, and Eureka Cambonga Bianzon Robey are these new self-publishedIlustrados. They believe that there is hope in the self-publishimg in the not only for the Filipinos but for the whole world. This time, Don, Dex and Eureka will see to it that they will not be misunderstood (because they are good communicators). This time they will also commit not to fail (because they have a passion for excellence). Besides, real heroism for them is not to put themselves on top of pedestals but for them to make more heroes of this new revolution in publishing. More heroes advocating the democratization of opportunities and progress in businesses, in learning institutions, and in individuals. ALL THESE THROUGH MCKINLEY PUBLISHING HUB. Welcome us as we dynamically adapt so that you all can excel and achieve your dream of becoming a published author.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s